Thursday, May 15, 2008

LFS, KINALAMPAG ANG PAMAHALAAN

Iginiit ng Leagur of Filipino Students o L -F-S sa pamahalaan ang agarang aksyon upang matugunan ang krisis sa edukasyon.

Iminungkahi ng L-F-S na dagdagan ang pondo ng pamahalaan sa sektor ng edukasyon gayundin ang pagpapatigil sa hindi makatwirang pagtaas ng matrikula at maging ang pagpapatigil ng pamahalaan sa pagpapatupad ng iba pang mga bayarin sa mga pampublikong elementarya at high school.

Ayon kay L-F-S National Chairman Vencer Crisostomo, nakababahala ang drop out rate ng bansa.

Banta pa ng L-F-S, tataas pa ang bilang ng mga hindi nakapagtapos hangga't hindi pinagtutuunan ng gobyerno ang sektor ng edukasyon.

Kasama mo sa quezon City ang inyong responsableng mamamahayag ngayon, Rachel Ann Siñel, D-Z-X-L, R-M-N Manila. ###

ബോറചായ്‌ മയോര്‍, KINASUHAN

Patung patong na kaso ang kinakaharap ngayon nina Boracay Mayor Cicero Cawaling, MUnicipal Engineer Alizer Casidsid at Rafael King.

Kaugnay ito ng patuloy na pagpayag ng Boracay government sa dagdag na establisyemento kahit may monatorium na naipatupad dito ang Department of Environment and Natural Resources.

Sa isang press conference, sinabi ni D-E-N-R Secretary Lito Atienza na minabuti nilang kasuhan sina Mayor cawaling at Engineer Casidsid dahil sa pagkabigo ng mga ito na sundin ang itinakda ng monatorium na ipinalabas na kalihim sa pagtatayo ng bagong gusali at anumang istruktura sa Boracay island na isang tourist zone at marine reserve alinsunod sa Proclamation number 1801.

Sina Cawaling ay nahaharap ngayon sa mga kasong paglabag sa Republic Act 3019 o Anti Graft and Corruption Practices Act , Executive Order two nine two , Republic Act 6713 at iba pang kakulang batas at patakaran na may kaugnayan dito

Kasama mo sa D-E-N-R ang inyong responsableng mamamahayag ngayon, Rachel Ann Siñel, D-Z-X-L, R-M-N Manila