Monday, May 19, 2008

magsasaka at mangingisda nanawagan sa DENR

Patuloy ang pangangalampag ng grupo ng mga magsasaka ant mangingisda sa Department of Environment and Natural Resources.

Panawagan nilang maaksyunan na isyu ng pagmamay ari sa dalawang libong ektaryang lupaing inaangkin ngayon ng Zobel Ayala sa Calatagan batangas.

Ayon kay BAYAN Secretary General Arman Arbadillo, sana ay matigil na ang conversion ng mga pansakahang lupa. Sa halip ay dapat mapagtuunang pansin ang genuine Agrarian Reform at ang pamamahagi na ng mga lupaing kanilang binubungkal at pinagkukunan ng hanapbuhay.

Ang nasabing dalawang libong ektaryang lupa ay inpinagkatiwala ng korte sa D-E-N-R upang sukatin at maipamigay sa mga lehitimong residente isang dekada na ang nakaraan subalit hanggang sa kasalukuyan ay wala pa rin umanong aksyon na isinasagawa ang kagawaran. #

Rachel ann siñel.dzxl.rmn.manila.may18

limang minutong engkwentro

Rachel ann siñel.dzxl.rmn.manila.may18

Isang bakbakan ang naganap sa pagitan ng militar at komunistang grupo sa Barangay Milabas Pilar, Sorsogon.

Naganap ang limang minutong engwentro habang nagpapatrolya ang mga tauhan ng ninety first bridgade ng Philippine Army sa nasabing lugar ganap na alas dose ng tanghali.

Wala namang nasawi sa panig ng militay samantalang di pa matiyak ang bilang ng mga sugatan sa panig ng rebeldeng grupo. #

Rachel ann siñel.dzxl.rmn.manila.may18

army major, nasawi sa aksidente

Patay sa isang vehicular accident si Army Major Rene Marcial habang malubhang nasugatan sina Major Teotimo Catabian at Major Florentino Simeon.

Naganap ang naturang aksidente sa Barangay San Miguel Bulacan ganap na alas tres na hapon kahapon.

Lumalabas sa imbestigasyon na nawalan ng kontrol si Marcial sa minamaneho nitong Mitsubishi Delica Van na naging sanhi upang sumalpok ang sasakyan sa post eng Meralco.

Si Major Marcial ay nahihimlay ngayon sa La Consolacion Funeral Parlor samantalang sina catabian at Simeon ay kasalukuyang ginagamot sa San Miguel District Hospital.

Rachel ann siñel.dzxl.rmn.manila.may18

news. de castro at PNP crime lab 63rd anniv.



Binigyang diin ni Vice President Noli de Castro ang mahalagang papel na ginagampanan ng forensic science sa pagsugpo ng krimen.



Sa animnapu’t tatlong taong anibersaryo ng P-N-P Crime Laboraratory, pinuri ni de Castro ang galing na ipinamalas ng medico legal at forensic experts sa kabila ng limitadong teknolohiya at kulang na kagamitan.



Kamakailan lamang ay naging susi ang Crime Laboratory upang matukoy ang mga salarin sa multiple murder case sa Olongapo City na kinasangkutan ni Scarlett Garcia.



###



(rachel ann siñel.dzxl.rmn.manila)