Magsasampa ng kaukulang motion sa korte ang PDEA matapos paboran ng Manila R-T- C branch thirteen na makapagpiyansa ang anak ni Manila Mayor Alfredo Lim na si Manuel LIm.
Ayon kay PDEA P-I-O Derrick Carreon, patuloy nilang tutukan ang kaso. Dagdag pa niya, ginagawa ng ahensya ang kanilang tungkulin kung kaya't wag sanang mabunton ang sisi sa PDEA matapos ang desisyong ito ng korte.
Matatandaang Si Lim ay sinampahan ng kasong paglabag sa Section five ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 matapos itong maaresto sa isang buy bust operation na isinagawa ng mga ahente ng PDEA sa Santa Cruz Manila noong March fourteen
Kasama mo sa PDEA ang inyong responsableng mamamahayag ngayon, Rachel Ann Siñel, D-Z-X-L, R-M-N Manila.##
