Wednesday, May 14, 2008

NEWS REPORT

Walang tutol ang PDEA sa pansamantalang paglaya ng anak ni Manila Mayor Alfredo Lim na si Manuel Lim.

Bagamat may ilang PDEA agents na nadismaya sa desisyong ito ng korte, nanindigan si PDEA P-I-O Derrick Carreon na wala silang magagawa kundi ang sumunod sa kautusan ng korte.

Si LIm ay pinahintulutan ng Manila R-T-C sa sala ni Judge Adelina Bargas na makapaglagak ng apat na raang libong piyansa.

Matatandaang si Lim ay nakulong matapos maaresto sa buy bust operation na isinagawa ng mga ahente ng PDEA sa Santa CRuz Manila kung saan nakakumpiska ng humigit kumulang siyamnapung gramo ng shabu.

Kasama mo sa PDEA ang inyong responsableng mamamahayag ngayon, Rachel Ann SiƱel, D-Z-X-L, R-M-N Manila.#

No comments: