Monday, May 19, 2008

magsasaka at mangingisda nanawagan sa DENR

Patuloy ang pangangalampag ng grupo ng mga magsasaka ant mangingisda sa Department of Environment and Natural Resources.

Panawagan nilang maaksyunan na isyu ng pagmamay ari sa dalawang libong ektaryang lupaing inaangkin ngayon ng Zobel Ayala sa Calatagan batangas.

Ayon kay BAYAN Secretary General Arman Arbadillo, sana ay matigil na ang conversion ng mga pansakahang lupa. Sa halip ay dapat mapagtuunang pansin ang genuine Agrarian Reform at ang pamamahagi na ng mga lupaing kanilang binubungkal at pinagkukunan ng hanapbuhay.

Ang nasabing dalawang libong ektaryang lupa ay inpinagkatiwala ng korte sa D-E-N-R upang sukatin at maipamigay sa mga lehitimong residente isang dekada na ang nakaraan subalit hanggang sa kasalukuyan ay wala pa rin umanong aksyon na isinasagawa ang kagawaran. #

Rachel ann siñel.dzxl.rmn.manila.may18

limang minutong engkwentro

Rachel ann siñel.dzxl.rmn.manila.may18

Isang bakbakan ang naganap sa pagitan ng militar at komunistang grupo sa Barangay Milabas Pilar, Sorsogon.

Naganap ang limang minutong engwentro habang nagpapatrolya ang mga tauhan ng ninety first bridgade ng Philippine Army sa nasabing lugar ganap na alas dose ng tanghali.

Wala namang nasawi sa panig ng militay samantalang di pa matiyak ang bilang ng mga sugatan sa panig ng rebeldeng grupo. #

Rachel ann siñel.dzxl.rmn.manila.may18

army major, nasawi sa aksidente

Patay sa isang vehicular accident si Army Major Rene Marcial habang malubhang nasugatan sina Major Teotimo Catabian at Major Florentino Simeon.

Naganap ang naturang aksidente sa Barangay San Miguel Bulacan ganap na alas tres na hapon kahapon.

Lumalabas sa imbestigasyon na nawalan ng kontrol si Marcial sa minamaneho nitong Mitsubishi Delica Van na naging sanhi upang sumalpok ang sasakyan sa post eng Meralco.

Si Major Marcial ay nahihimlay ngayon sa La Consolacion Funeral Parlor samantalang sina catabian at Simeon ay kasalukuyang ginagamot sa San Miguel District Hospital.

Rachel ann siñel.dzxl.rmn.manila.may18

news. de castro at PNP crime lab 63rd anniv.



Binigyang diin ni Vice President Noli de Castro ang mahalagang papel na ginagampanan ng forensic science sa pagsugpo ng krimen.



Sa animnapu’t tatlong taong anibersaryo ng P-N-P Crime Laboraratory, pinuri ni de Castro ang galing na ipinamalas ng medico legal at forensic experts sa kabila ng limitadong teknolohiya at kulang na kagamitan.



Kamakailan lamang ay naging susi ang Crime Laboratory upang matukoy ang mga salarin sa multiple murder case sa Olongapo City na kinasangkutan ni Scarlett Garcia.



###



(rachel ann siñel.dzxl.rmn.manila)

Thursday, May 15, 2008

LFS, KINALAMPAG ANG PAMAHALAAN

Iginiit ng Leagur of Filipino Students o L -F-S sa pamahalaan ang agarang aksyon upang matugunan ang krisis sa edukasyon.

Iminungkahi ng L-F-S na dagdagan ang pondo ng pamahalaan sa sektor ng edukasyon gayundin ang pagpapatigil sa hindi makatwirang pagtaas ng matrikula at maging ang pagpapatigil ng pamahalaan sa pagpapatupad ng iba pang mga bayarin sa mga pampublikong elementarya at high school.

Ayon kay L-F-S National Chairman Vencer Crisostomo, nakababahala ang drop out rate ng bansa.

Banta pa ng L-F-S, tataas pa ang bilang ng mga hindi nakapagtapos hangga't hindi pinagtutuunan ng gobyerno ang sektor ng edukasyon.

Kasama mo sa quezon City ang inyong responsableng mamamahayag ngayon, Rachel Ann Siñel, D-Z-X-L, R-M-N Manila. ###

ബോറചായ്‌ മയോര്‍, KINASUHAN

Patung patong na kaso ang kinakaharap ngayon nina Boracay Mayor Cicero Cawaling, MUnicipal Engineer Alizer Casidsid at Rafael King.

Kaugnay ito ng patuloy na pagpayag ng Boracay government sa dagdag na establisyemento kahit may monatorium na naipatupad dito ang Department of Environment and Natural Resources.

Sa isang press conference, sinabi ni D-E-N-R Secretary Lito Atienza na minabuti nilang kasuhan sina Mayor cawaling at Engineer Casidsid dahil sa pagkabigo ng mga ito na sundin ang itinakda ng monatorium na ipinalabas na kalihim sa pagtatayo ng bagong gusali at anumang istruktura sa Boracay island na isang tourist zone at marine reserve alinsunod sa Proclamation number 1801.

Sina Cawaling ay nahaharap ngayon sa mga kasong paglabag sa Republic Act 3019 o Anti Graft and Corruption Practices Act , Executive Order two nine two , Republic Act 6713 at iba pang kakulang batas at patakaran na may kaugnayan dito

Kasama mo sa D-E-N-R ang inyong responsableng mamamahayag ngayon, Rachel Ann Siñel, D-Z-X-L, R-M-N Manila

Wednesday, May 14, 2008

field report 3

Magsasampa ng kaukulang motion sa korte ang PDEA matapos paboran ng Manila R-T- C branch thirteen na makapagpiyansa ang anak ni Manila Mayor Alfredo Lim na si Manuel LIm.

Ayon kay PDEA P-I-O Derrick Carreon, patuloy nilang tutukan ang kaso. Dagdag pa niya, ginagawa ng ahensya ang kanilang tungkulin kung kaya't wag sanang mabunton ang sisi sa PDEA matapos ang desisyong ito ng korte.

Matatandaang Si Lim ay sinampahan ng kasong paglabag sa Section five ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 matapos itong maaresto sa isang buy bust operation na isinagawa ng mga ahente ng PDEA sa Santa Cruz Manila noong March fourteen


Kasama mo sa PDEA ang inyong responsableng mamamahayag ngayon, Rachel Ann Siñel, D-Z-X-L, R-M-N Manila.##

FIELD REPORT ANGLE 2

Pursigido and PDEA na ipagpatuloy ang kaso laban sa anak ni Manila Mayor Alfredo Limna si Manuel LIm.
Ayon kay PDEA P-I-O Derrick Carreon. magsasampa sila ng mosyon sa korte at patuloy nilang tututukan ang proreso ng nasabing kaso.

Sinabi pa ni carreon na ginagawa ng ahensya ang kanilang tungkulin. Sana raw ay wag mabunton ang sisi sa PDEA matapos ang hakbang na ito ng korte.

Si Lim ay pansamantalang makakalaya matapos pahintulutan ng Manila R-T-C branch thirteen sa sala ni Judge Adelina Bargas na makapaglagak ng apat na raang libong piyansa.

Kasama mo sa PDEA ang inyong responsableng mamamahayag ngayon, Rachel Ann Siñel, D-Z-X-L, R-M-N Manila.#

NEWS REPORT

Walang tutol ang PDEA sa pansamantalang paglaya ng anak ni Manila Mayor Alfredo Lim na si Manuel Lim.

Bagamat may ilang PDEA agents na nadismaya sa desisyong ito ng korte, nanindigan si PDEA P-I-O Derrick Carreon na wala silang magagawa kundi ang sumunod sa kautusan ng korte.

Si LIm ay pinahintulutan ng Manila R-T-C sa sala ni Judge Adelina Bargas na makapaglagak ng apat na raang libong piyansa.

Matatandaang si Lim ay nakulong matapos maaresto sa buy bust operation na isinagawa ng mga ahente ng PDEA sa Santa CRuz Manila kung saan nakakumpiska ng humigit kumulang siyamnapung gramo ng shabu.

Kasama mo sa PDEA ang inyong responsableng mamamahayag ngayon, Rachel Ann Siñel, D-Z-X-L, R-M-N Manila.#

Thursday, May 8, 2008

SAKSI AKONG NASASAKDAL

SAKSI
chyng916@yahoo.com
rachel.ann.asis.si►4el
www.bluejade-summernight.page.tl

kamay ko'y may tanikala
nakagapos maging ang dila
manhid na ang diwa
bagamat mga mata ko'y bukas
at malinaw pang nakakakita
halu-halong daing
ang nasasagap
nG mala radar kong tenga
ganunpaman
nakapanlulumo...
sapagkat
nakatunghay lamang ako't
nakatulala


(OO..!!! INAAMIN KO, NASAKSIHAN KO ANG LAHAT SUBALIT WALA AKONG GINAWA...)
HINAGPIS NI ANNA
http://us.mc314.mail.yahoo.com/mc/compose?to=chyng916@yahoo.com
rachel.ann.asis.siñel
http://www.bluejade-summernight.page.tl/

malayo ka na sa brig, kuya
nakaalpas ka na mula sa
pader ng pangungulila
subalit mas nakakasakal ang
bulok na sistema
nakakasulasok ang katiwaliang
tumatambad
sa dalawa mong mga mata
sikil ang iyong paghinga
hindi lubos matanggap ng idealistic
mong sikmura
at napagtanto mong:
KAILAN MA'Y HINDI KA
NAGING GANAP NA MALAYA

(ikaw, ako, tayong lahat.. ay alipin inaanay na sistema.. malayo pa ba ng umaga kuya..??!)

PITAK

pitak
RACHEL.ANN.ASIS.SIÑEL
chyng916@yahoo.com
http://www.bluejade-summernight.page.tl/

di ko mawari
kung bkt
gising pa ang aking diwa
di dahil
iniisip na naman kita
sadya lang talagang
kayraming alalahanin
ang sumasagi sa aking gunita
...
Hinihintay ko ang pagdating ng umaga
....
hay..
!!nangungulila ako
sa mga panahong
ako'y isang paslit pa lamang
inosenteng nusmos
na sa mundo ay walang pakialam
19 na pala ako
bahagi na ng lipunanhay...!!!
ano na ba ang aking nagawa?
marami pa akong magagawa....
habang hinihintay ko ang muling pamumulaklak ng sampagita sa ilang
at ang muling pamamayagpag ni haring araw,,,
marami pa akong mgagawa
bayani ako
sa sarili at munti kong pamamaraan
hindi ba't ikaw rin aking kaibigan..
halika,,

sabay tayong lumikha ng makulay at makabuluhang kasaysayan
hawak kamay nating abutin
ang bahaghari ng kapayapaan
kung saan
hilom na ang sugat
at

limot na ang kasakiman
kung sAan
walang kanser na nanunuot sa bawat kong kalamnan
at pumapatay
sa mura kong kamalayan....
halika
sapagkat
ang pagbabagoay hindi ko kakayanin ng mag isa,,,
halika
at payapa tayong

l umikha ng makabuluhang kasaysayan
muling ibangon ang
puring nawala
at pangalang Pilipinas ay pagyamanin
sa buong mundo'y ibandila
halika...

###

si otoy at isang istorya

ISTORYA
rachel.ann.asis.siñel
chyng916@yahoo.com
www.bluejade-summernight.page.tl


si Otoy..

huwarang estudyante
sa sikat na pamntasan sa Maynila
namaalam sya kay Magdalena
lilisan saglit at
gagawa ng thesis
kasama ang
barkada
buwang singkad nag lumipas
si Otoy
naglahong parang bula.

malakas ang hanging
bumabayo
sa bintana
Maunos na takipsilim
nang
katok sa pinto'y
masiglang pinagbuksan
ni Ina
Kaypala'y ang
pinakamamahal
na si Otoy
heto't nagbabalik na
balot ng bandila
tadtad ng bala
ngiti ni Ina'y dagling naparam
napalitan ng luha
nagdalamhati ang langit
ulap ay nagluluksa...

"Bakit??!" ang mapang usig na tanong
nina Diego at Laura

"biktima si Otoy," yaon nama'y hinagpis ni Tiya Aurora

Tanong ko naman:

"sinisisi mo rin ba si Otoy
sa landas na pinili niya??!
Masisi mo ba si Otoy kung siya'y
nagpakamartir
para lamang
sa
isang
ideolohiya...

(ILANG LITRONG DUGO PA KAYA
ANG KINAKAILANGANG DUMILIG SA LUPA??!
ILANG OTOY PA BA ANG DAPAT MAWALA??!
SINO BA ANG MAY SALA??!
SINO AT ALIN BA ANG TAMA??!
KAIBIGAN,
IPINAPAUBAYA
KO NA SA YO
ANG PAGHUSGA....)

###

so young so corrupt concept paper

Rachel ann asis siñel. Abbc. Advanced radio production. January 18,, 2007

OVERVIEW / BACKGROUND INFO

This is a radio docudrama dealing with youth, politics, and corruption. This is a reflection of society. The story is lifted from Young Blood Book 3. Young blood is a section In Philippine Daily Inquirer where people around 28 years of age and below are given a chance to voice their perspective of anything under the sun. (Me too, is writing for this section.). the article is entitled SO YOUNG, SO CORRUPT. The author hides behind the name Zvach. This was published July 3, 2003.

Goin’ back to the story, it will revolve around my main character Alex . He used to be an achiever. He is a his high school’s valedictorian. He used to be an idealistic stude at university of the Philippines. He was young and good but the ever angelic Adonis turned into a beast when he entered the political arena. The responsible and admirable guy was transformed into a corrupt and directionless Alex right after he take post as SK federation President.

He left U. P to concentrate more on his obligations. Actually, the exact words from his article were: the conflict with the mayor was the reason why I have to stop my studies. He was encouraging some of the chairpersons to oust me and elect new president. I had to guard my flanks and I coulnt do so while staying In Manila for most of the weeks.

The politics transformed him. Politics taught him the dirty means of survival. He learned to accept bribes from jueteng just to sustain his vices, his staff, and to finance his projects. (He came from opposition so it was really hard for him to access funds for his projects. That’s politics). Before long, he made peace with the mayor, joined hands with majority party and took part in overpricing of contracts and rigging of biddings.

The youth leader that was supposed to be a role model for the youth had become their number one corrupter.

Then, after years of years of playing his cards well, after the years of feasting at the blood of sin, his term ended. That is the point where he asked : WHAT HAD I DONE TO MY LIFE? He then realized that he’s already 26 yet still an undergraduate. Ten years after magnificent high school graduation and six years of being at the snake pit called politics, he is tryin to heal his stained soul.

His town is encouraging him to run into public office in the upcoming election but at last, he woke up from a nightmare. He thinks the people deserve better.

His ending statements: I HAVE BEEN A POLITICIAN. I HAVE BEEN CORRUPT. AND THAT WILL HAUNT ME FOREVER.


STRATEGY / EXECUTION

This story shall be presented in the form of docudrama. I admit, this approach is rare if not new in radio industry. There will be a main presenter who will introduce the issue. This will be followed by series of voice clips and dramatic reenactments. This is a challenged because making a radio documentary entails creativity. Music and sound effects as bridge and to emphasize mood and setting will also be used.

The strength of this concept is the fact that the story revolves on politics. This is not only entertaining but informative and eye opener as well. This aims to rouse national consciousness and sociopolitical awareness of the Filipinos. Young and old alike, from different levels of society can relate to the story

###

.