ISTORYA
rachel.ann.asis.siñel
chyng916@yahoo.com
www.bluejade-summernight.page.tl
si Otoy..
huwarang estudyante
sa sikat na pamntasan sa Maynila
namaalam sya kay Magdalena
lilisan saglit at
gagawa ng thesis
kasama ang
barkada
buwang singkad nag lumipas
si Otoy
naglahong parang bula.
rachel.ann.asis.siñel
chyng916@yahoo.com
www.bluejade-summernight.page.tl
si Otoy..
huwarang estudyante
sa sikat na pamntasan sa Maynila
namaalam sya kay Magdalena
lilisan saglit at
gagawa ng thesis
kasama ang
barkada
buwang singkad nag lumipas
si Otoy
naglahong parang bula.
malakas ang hanging
bumabayo
sa bintana
Maunos na takipsilim
nang
katok sa pinto'y
masiglang pinagbuksan
ni Ina
Kaypala'y ang
pinakamamahal
na si Otoy
heto't nagbabalik na
balot ng bandila
tadtad ng bala
ngiti ni Ina'y dagling naparam
napalitan ng luha
nagdalamhati ang langit
ulap ay nagluluksa...
"Bakit??!" ang mapang usig na tanong
nina Diego at Laura
"biktima si Otoy," yaon nama'y hinagpis ni Tiya Aurora
Tanong ko naman:
"sinisisi mo rin ba si Otoy
sa landas na pinili niya??!
Masisi mo ba si Otoy kung siya'y
nagpakamartir
para lamang
sa
isang
ideolohiya...
(ILANG LITRONG DUGO PA KAYA
ANG KINAKAILANGANG DUMILIG SA LUPA??!
ILANG OTOY PA BA ANG DAPAT MAWALA??!
SINO BA ANG MAY SALA??!
SINO AT ALIN BA ANG TAMA??!
KAIBIGAN,
IPINAPAUBAYA
KO NA SA YO
ANG PAGHUSGA....)
###

No comments:
Post a Comment