Thursday, May 8, 2008

PITAK

pitak
RACHEL.ANN.ASIS.SIÑEL
chyng916@yahoo.com
http://www.bluejade-summernight.page.tl/

di ko mawari
kung bkt
gising pa ang aking diwa
di dahil
iniisip na naman kita
sadya lang talagang
kayraming alalahanin
ang sumasagi sa aking gunita
...
Hinihintay ko ang pagdating ng umaga
....
hay..
!!nangungulila ako
sa mga panahong
ako'y isang paslit pa lamang
inosenteng nusmos
na sa mundo ay walang pakialam
19 na pala ako
bahagi na ng lipunanhay...!!!
ano na ba ang aking nagawa?
marami pa akong magagawa....
habang hinihintay ko ang muling pamumulaklak ng sampagita sa ilang
at ang muling pamamayagpag ni haring araw,,,
marami pa akong mgagawa
bayani ako
sa sarili at munti kong pamamaraan
hindi ba't ikaw rin aking kaibigan..
halika,,

sabay tayong lumikha ng makulay at makabuluhang kasaysayan
hawak kamay nating abutin
ang bahaghari ng kapayapaan
kung saan
hilom na ang sugat
at

limot na ang kasakiman
kung sAan
walang kanser na nanunuot sa bawat kong kalamnan
at pumapatay
sa mura kong kamalayan....
halika
sapagkat
ang pagbabagoay hindi ko kakayanin ng mag isa,,,
halika
at payapa tayong

l umikha ng makabuluhang kasaysayan
muling ibangon ang
puring nawala
at pangalang Pilipinas ay pagyamanin
sa buong mundo'y ibandila
halika...

###

No comments: